jump to navigation

para makaiwas sa disgrasya Disyembre 27, 2011

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

nakatapos na naman ang isang araw ng paskuhan, birthdeyan at waldasan ng pera. next attraction naman ang Rizal Day holiday. nasuklian na rin ba kayo ng bagong labas na piso? yung coin na may mukha ni Rizal at may nakalagay na 150 years. akala ko nung una peke eh buti na lang namukhaan ko si Rizal. wala naman kasi akong nabalitaan na maglalabas ng bagong barya ngyon. tinabi ko na lang para remembrance. limited series lang ata yun.

anyways, ang main event talaga na inaantabayanan natin ngyon ay ang New Years Day. ang pagpapalit ng taon. ang papalapit ng itinakdang araw ng paghuhukom. at nataon ding fiesta sa barangay namin yang araw na yan kaya paniguradong maraming games kagaya ng hataw palayok at agawan buko na taon taong may nagrarambulan na taga iskwater. meron ding binatilyo na napatakbo ng hubo kapalit ng isandaang piso. sana this year may babae naman sumabak sa challenge. at bukod sa mga palaro, inaabangan na rin ng mga kids ang mga kinulayang sisiw, itik, dagang kosta, mayang kinulayan at kung ano ano pang kahayupan na mabubunot kay manang tindera. nagkalat na rin siguro yung mga lobo ng angry birds.

magpapaputok ba kayo? masarap sana gawin yan dahil andun ang thrill. pero nakakakaba din at inilalapit natin ang mga sarili natin sa disgrasya. sabi nga ng HR namin, kapag naputukan kami, hindi raw covered ng health card namin yun. kaya eto bigyan ko sana kayo ng kaunting tips na napulot ko para makatulong na rin makaiwas sa kapahamakan at gastusan. sabi nga ng mga naputukan na, nasa huli ang pagsisisi kaya maigi ng wag maging mapusok.

PAALALA: MGA DAPAT SUNDIN PARA HINDI MADISGRASYA NG PAPUTOK:

1. wag kumuha ng naputukan na, baka MAPIKOT KA
2. alisin agad kung malapit ng pumutok,
3. Kung naputukan na, dali daling hugasan baka madala pa sa hugas
4. wag magpaputok sa mataong lugar, nakakahiya
5. Magtanong muna kung “safe” bago magpaputok, kung safe saka iputok

MALIGAYANG PASOK AT MALIGO MUNA BAGO IBAON!!!

Mga Puna»

1. apollo - Disyembre 27, 2011

amen to that. if i may also add: wag kang magpapaputok kung medyo nag-aalangan ka at baka ka madisgrasya. hehehe..

happy new year pre!

gasti: happy new year! ganda siguro ng fireworks display dyan. ingat baka maputukan ka rin.

2. anakngpating - Disyembre 27, 2011

kuya ma myesta ko senyo haha.. tapos punta ka din samen kasi fiesta rin eh ahha.. magkainan tayo lels..😀 ikaw lang naman na kapwa ko blogger ata ang kababayan ko haha..:))

di ko alam na may bagong piso napa search talaga ko haha..😀
:))

the best ung maligo muna bago mag papautok ahha..:))

gasti: uy onga pala. kabayan! hehe! saya ng fiesta buti maganda naman panahon kaya daming palaro sa kalsada.
meron talagang bagong piso. tinabi ko nga yung nakuha ko eh.

3. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Disyembre 27, 2011

Panigurado, magugustuhan ito ng peyborit adimirer mong si lotlot/johann/dan/. BWAHAHAHAHAHA.

gasti: admirer?! haha! langya. sana nga protektado sya.

Solid Liquid Gas Plasma Matter - Enero 3, 2012

basta ba tanda niya pa yung mini seminar/lecture na binigay mo dati at sinapuso niya yun eh. hahaha.

4. L - Disyembre 27, 2011

magpapaputok ser, pero may kapote pa rin. mahirap na, baka madisgrasya pa.

merikrismashapinuyirhapitrikingshapibalemtayms, ser! quota na sa holiday greetings!😄

gasti: dapat sinama mo na rin yung kungheifatchoi. hehe! tama yan, siguraduhin mo ring walang butas ang kapote.

5. nette - Disyembre 27, 2011

Happy new year! Enjoy the putukan🙂

gasti: saraaap. manood. haha! hindi ako nagpaputok eh. happy new year!

6. salbehe - Disyembre 28, 2011

Thank you sa tip ng pagpapaputok. Nag-enjoy ako!

gasti: happy new year salbe!

7. bagotilyo - Disyembre 28, 2011

hahaha ayos ang mga paalala …

wala p kong nakikita nung kakaibang piso na yun ah …

sana makakita ako..heheh

gasti: nationwide naman siguro ang release nun. una kong nakita yun sa Sm supermarket pinangsukli sakin. picture-an ko na lang tapos ipost ko dito.

8. ♥ hana banana ♥ - Disyembre 31, 2011

hahaha…green minded ba ako o sadya lang talagang double meaning ang mga 5 paalalas mo😉
have a happy 2012!!!!

gasti: haha! ingat lang baka maputukan🙂 happy new year!

9. emilayskie - Enero 9, 2012

Hay naku sana talaga wala na lang akong alam sa mundo para hindi ako tawa ng tawa sa post mo.

Pero tama ka rin naman talaga. Nakakahiyang magpaputok sa mataong lugar. Grabeh naman yung gagawa nun.

Oist totoo ba yang 150 years na coin? Bakit ikaw lang ang may ganyan? O baka naman napeke ka! Haha..

gasti: haha! wala naman masama kung marami ka alam sa kamunduhan. advantage pa nga yun.
totoo yang coin na yan. limited edition🙂 siguro yung mga nakakuha rin ng ganyan tinabi na lang nila kaya hindi na nakikita ngyon.

10. Little Miss Pataki - Enero 10, 2012

Ampuge naman ni Rizal sa piso na yan. Ayos na ayos to the very outline ang hair. Wagi.

May napapatakbo pala ng hubo sa 100 pesos? Shaks marame akong 100 yung mga bago pa mag aarkila ako ng lalakeng tatakbo ng hubo sa bahay. Haha.

Naalala ko last week nagkukwentuhan kami ng officemates ko about dyan sa kinulayang sisiw. Meron kasi akong alaga noon, napanalunan ko sa binabasang papel na huhulaan mo yung number, tapos lumaki sya. Naging manok tapos nangingitlog araw araw. Nakakatuwa kasi mag isa lang sya tas nangingitlog sya. Anggaling anupo. Tas kinatay sya😦

Takot me much sa paputok shaks nagtago ako sa ilalim ng kama. Haha.

gasti: uu masaya pag pyesta samin eh. yung mga lasing ang may pakana ng tumatakbong hubo. this year puro bata na eh 10 yrs below.
ano ka ba aso o pusa? nagtatago sa kama pag putukan. hehe! oy parang kilala kita ah. nagbago ka na pala ng blog.

Little Miss Pataki - Enero 11, 2012

Ah. Sayang naman 10 years below. Si Pedobear lang matutuwa. Hahaha.

Naglipat bahay lang ako andami kaseng alikabok nakakatamad mag vacuum. Ngi! :p

11. Ape - Enero 12, 2012

Hahahaha!

happy new year sayo kapatid!

gasti: happy new year din sayo pre!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: