jump to navigation

suntukan daw Pebrero 2, 2012

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
trackback

as usual, wala na namang nangyari sa negosasyon ng pinakaaabangang laban ng lahat. kalimutan na natin ang Pacquiao vs. Mayweather ngyong darating na May 5 o baka kahit sa November wala na rin mangyari. mahirap talaga yung nasosobrahan ka na ng yabang at bilib sa sarili.

Mayweather vs. Cotto sa darating na May 5. hindi na rin masama dahil gusto ko rin makita kung ano mangyari sa laban na yan. ang hindi maganda ay yung matitirang pagpipilian ni Paquiao. medyo obvious ng si Timothy Bradley ang ipapartner sa kanya ni Bob Arum. yung mukhang ninja turtle na yan na mahilig mang headbutt. kakaumay.

mas gusto ko pa panoorin yung mga laban ni Nonito Donaire Jr. sa totoo lang, astig manuntok. astig sa porma. at astig sumagot sa mga interview. sana maabot nya rin yung kasikatan ni Pacquiao dahil magaling din naman sya.

medyo nilalayo ko muna ang utak ko sa trabaho ngyon dahil pakiramdam ko eh umoonti na ang sperm count ko. ewan ko ba rito sa kumpanya namin kung bakit hindi pa nagdadagdag ng empleyado. utang na loob naman. dati 6 kami. nagsabi sila na maghire pa ng 2. hanggang sa magsipagresign na yung dalawang kasama ko walang dumating na kapalit. naalala ko tuloy yung mga palaro sa kids party na “the boat is sinking. what shall we do?”. Group yourselves into four! naknampepe yan. nakakabaog.

ayoko na talaga magpost ng tungkol sa trabaho dito sa blog sa totoo lang. isa dahil baka matunton na ko ng boss ko at pangalawa dahil wala rin naman pagbabago mangyari. kaya nga sana sa susunod, ikwento ko naman kung gaano ako kasaya sa nilipatan kong work. na kung gaano kagaganda mga kaopisina ko at kung gaano ako kagana pumasok dahil sa malaki ang sinasahod ko at may inuman session pa after office hours. gusto ko na magbagong buhay. kelangan ko na magbisyo.

papasukin ko sana ang pagboboxing kaya lang baka ma-comatose ako pag binayagan ako ng kalaban . kawawa naman ang pamilya ko.

Mga Puna»

1. apollo - Pebrero 2, 2012

masyadong mapride si mayweather at pacquiao eh. kung talagang feeling nila mas magaling sila kaysa sa kabila, winner takes all na lang ang laban nila!

jump ship na pre! hanap ng mas magandang oppurtunities. haha!

gasti: yung huling offer daw eh 55/45 ang hatian sa lahat ng revenue. 55 sa mananalo at 45 sa matatalo. bukod pa syempre sa guaranteed purse na 50 million dollars. ewan ko ba sa mga yan at andaming kaartehan.
oo pre. darating din tayo dyan.

2. kotsengkuba - Pebrero 2, 2012

oy, kala ko ba magpapadelay nang pagpapakulong si mayweather matuloy lang ang laban nila ni paquiao? pota naman oh. pano pa kakabahan ang mga fans ni pacman nyan?

goodluck nalang sa mga sperm count nyo. hahaha.

gasti: kunyari lang na gusto nya makalaban si Pacquiao pero hindi naman sya nakikipag usap ng maayos. sa June 1 pa rin ikukulong si Mayweather. sana nga matalo na sya bago makulong para mabawasan naman ang yabang.

3. hanabanana - Pebrero 2, 2012

wala akong masabi much about sa suntukan kc di naman ako fan nyan…wala lang…napa-smile lang ako sa post na’to…^_______^

oo nga, mag bagong buhay ka na! magbisyo ka na! go go go!

gasti: yung Real Steel na lang panoorin mo. suntukan ng mga robot naman. hehe!
masama rin yung sobrang linis kasi. masyadong typical. boring. predictable.

4. tabianmuch - Pebrero 3, 2012

aside sa nagiging negosyo ang boxing parang nagiging predictable na, alam mo kung sino ang mananalo kaya hindi ako nanunuod…napaka violence(?) hehehe

gusto ko nga rin mag rant sa blog ko tungkol sa trabaho kaya lang parang wala namang magiiba eto at corporate slave parin (sarap pakinggan) pero sila sila lang yumayaman sa taas…ang haba ng pinagsasabi ko

mag boxing ka ser gasti, pagawa tayo ng tarp sa unang fight mo!!!😄

gasti: yung mga matchmaker ang may gawa nyan. syempre ipapartner nila yung boksingero sa winnable na fight. para sumikat at makakuha ng malalaki at maperang fight in the future. pero kasi sa kaso ng pacquiao at mayweather, puro ego na lang at kayabangan yan kaya hindi magkasundo sa presyuhan. gusto ko manood ng suntukan dati pa kahit away sa kalye lang. exciting.
kahit nga hindi ako magboxing eh basta kasama ako sa entourage ok na sakin. haha! tapos isisngit ko ang mukha ko sa camera pag interview portion na.

5. L - Pebrero 3, 2012

akala ko rin ser eh kasado na ang laban nila. naknampucha. para palang mga babaeng urong-sulong ‘tong mga ‘to. nakakabanas. maige nga’t medyo napapansin na rin ‘tong si donaire. magaling pang mag-spokening dollar, you know! at kinakarir ang patalastas sa teevee. lol!

ayoko na ring mag-post ng tungkol sa trabaho. umay na umay na nga ako, ang siste ba eh uumayin ko pa ang araw ng mga mangilan-ngilang nadadapa sa crib? kaya wag na uy. ang mantra ko ngayon ser eh tiis-tite gang. tiis-tiis lang muna at darating din ang araw na bubulas ang titeng maugat. sa abroad para mas mabilis!

inuman na ‘yan! nomnomnom! \m/

gasti: mukha talagang solid sumuntok yun si Donaire eh. parang yung sa commercial nya. astig.
this year talaga magaganap ang dapat maganap. saka na ko magpopost ng work related kapag nakalipat na ko. hehe! tagal na yang naunsyaming inuman na yan October pa.

6. Ang Tambay na si MyR - Pebrero 3, 2012

parehas lang sila nagpapataaasan ng ego both pacquiao at mayweather ..kelan man mallbo na nga matuloy yan~

gasti: matutuloy yan kapag last fight na ni Manny bago magretire. yun ay kung walang makakatalo sa kanilang ibang boksingero.

7. Little Miss Pataki - Pebrero 3, 2012

Teka pala, hindi ko ma take yung idea na Congressman na nag boboxing paren. Para kaseng ano.. parang.. ewan bat kase nag Congressman pa. Haha.

San ka lilipat? Kung napansin mong maraming pogi sa lilipatan mo, kung sakaling mapatingin ka lang naman sa mga boylets, sabihan mo ko para ma ready ko na resume ko. Haha.

gasti: ang balita nga ngyon eh si Juan Manuel Marquez tatakbo ring Congressman sa July 2012 sa Mexico. haha! idol talaga nya si Pacquiao.
wala pa. naghahanap pa ko ng kumpanyang maraming maganda.

8. bagotilyo - Pebrero 3, 2012

oo nga bad trip lang hindi pla tuloy ang laban nila..

wag ka magalala no hitting below the belt naman kya pagisipan mo pa din kung ipupursue mo ang karir mo sa boksing.hehe

auko makarinig ng mga tungkol sa trabatrabaho na yan..

wala ako niyan… (bitter lang?) hehehhehe

gasti: pero posible pa ding mabayagan ka. sadya man o hindi. yung mga round girls ang isa pa dahilan kung ba’t gusto ko magboxing..haha! joke.
andami namang hiring ah. namimiss ko na tumambay sa bahay.

9. tadonggeniuskuno - Pebrero 4, 2012

#PAASA, the most awaited fight that never happened.🙂

gasti: sabi nga ng mga boxing analysts, may expiration date rin yang laban na yan. maigi nga kung matalo na si Mayweather kay Cotto. tapos basag ang mukha nya bago sya ikulong.

10. salbehe - Pebrero 6, 2012

Dati, ang kumikitang pangkabuhayan ay babae, droga at religion. Ngayon naisama na sa listahan ang boxing. Hindi konek sa post mo. (:

Sabi ng tatay ko, katulad ng relasyon ay walang perpektong kumpanya, kailangan mo lang pagtyagaan para magkapera ka. Katulad nitong kumpanya na pinapasukan ko, napaka-people oriented. Next week nga ay pupunta kami sa Boracay ng 5 araw, all expense paid ng kumpanya, may bonus pa. Again, walang konek sa post mo. (:

gasti: haha! langya ka. nang inggit pa. uu na ikaw na ang may magandang trabaho. actually, gusto ko lang talaga ng madaming officemate. saka yang mga libreng bakasyon na ganyan.

11. Addie - Pebrero 8, 2012

Aplay ka dito sa ‘min. Daliiii!

gasti: saan ba yang bahay nyo…este office nyo pala?

12. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Pebrero 10, 2012

Ninja Turtle vs…. siyet wala akong maisip na term kay fuckquiao.

Try mo kaya minsan kumonchaba ng truck para banggain yung poste na nag susuply ng kuryente sa opisina niyo? heheheh.

gasti: mahirap yun pre kasi buong building madadamay. haha! pwede naman ako magpasok ng bomba rito kung gustuhin ko.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: