jump to navigation

effortless Pebrero 15, 2012

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

kamusta naman ang Valentines Day nyo? naipost nyo na ba sa facebook ang mga pictures? naitag na ba ang dapat i-tag? nai-share na ba ang mga piling-piling love songs sa youtube? kayo na ba? naano mo ba? ok fine.

ang saya kahapon. love is in the air talaga. atleast nakapagpahinga naman ang mga mata at tenga ko sa Whitney Houston songs at updates ng kamatayan nya. I mean. kelangan ba talaga interviewhin ang mga local singers natin para tanungin kung anong naging impluwensya nya sa kanila? napakawalang sense.

inagahan ko ang uwi kahapon. paniguradong matraffic na pag ginabi ka eh. andami ko pa rin nakasalubong na babaeng may bitbit ng isang boquet ng calachuchi. sosyalin. ikaw na ang may galante at thoughtful na boyfriend. ganda mo teh! haba ng hair. meron ding mga lalaki na may bitbit na bulaklak at naghahagilap ng address ng opisina ng gf nila. surprisean ito. hindi ko talaga maiwasang hindi matawa eh. naisip ko kung ganoon din ba ako dati? naalala ko dati may time rin na hindi ako magkandaugaga sa pagbitbit ng 2 dosenang roses sa matitipuno kong mga braso. (kelangan imention ang matipuno for cinematic effect. chos!) may time rin na muntikan ko ng bawasan yung isang boquet na hawak ko at bigyan ng bulaklak yung magandang babaeng nakasabay ko sa jeep na walang ka-date. minsan naman nung tight ang budget, 100 grams na lang ng chicharon bulaklak naiuwi ko. may valentines card, chocolates, at kung anu-ano pang materyal na bagay na hahaluan mo ng mga pambobola para maaya mo sya makipag ano pagkatapos ng dinner. nakakatawa talaga eh. effort kung effort. magbibigay ka ng flower para patikimin ka ng flower. bibigyan mo sya ng chocolates, para ganahan sya kainin ka. gagandahan mo ang bihis mo, para maatat syang hubaran ka. give and take lang yan.

this time wala talagang nangyari. walang pera. maniniwala ka ba kung sabihin ko sayong sampung piso na lang laman ng bulsa ko ngyon at kelangan ko antayin magkalaman yung ATM ko para lang makauwi sa bahay. ganyan ako kadukha sa mga panahon na to. walang flowers, chocolates o kahit chicharon wala din. pero hindi naman ako nalungkot. hindi naman ako babae. obviously, wala akong kunsensya. joke! akala ko lang kasi hindi na papansinin ni misis yung mga ganyan. sabihin na nating biro pero malamang half meant yun na nag expect sya na meron ako surprise. langya! kelangan ko tuloy bumawi mamaya. ang hirap talaga manghula ng mood ng babae.

siguro naman hindi na overpricing ang drama ng mga bulaklak ngyon. at sana lang hindi dinuguan ang kakainin ko mamaya.

Mga Puna»

1. apollo - Pebrero 15, 2012

misteryo talaga ang mga babae. ang hirap nila maarok. good luck kay misis pre! hehe..

gasti: onga eh. anlabo kausap. buti sana kung…ah nevermind.

2. Jhandervine - Pebrero 15, 2012

wehehe..i have a friend kapag nakakareceive ng flowers tinutupi para maisoksok sa bag. nahihiya siya magbitbit..ako naman never nakareceive from hubby..kasi walang ‘romantic’ sa vocabulary niya..

happy vday at derby!?!..hehe

gasti: haha! baka dalaginding pa yan ah. hindi ko nga alam kung ano mas nakakahiya eh. yung may bitbit ka kasi may pagbibigyan ko o yung bitbit mo yung binigay sayo. siguro yung una kasi hindi ka pa sure sa reaction ng pagbibigyan mo. kung gf mo na ok lang. eh pano kung manliligaw ka pa lang. pwede ka pa i-reject.
happy valentines!

3. L - Pebrero 15, 2012

kahapon, bumili ako ng isang bouquet ng roses at tsokolate para kay dude. tas sabi ko sa kaniya magdi-dinner date lang kami pero wala akong maibibigay na kung anuman gawa ng marami akong binayarang bills. ayun, nagtampururot papuntang resto. tas nung nakita niya ‘yung bouquet at tsokolateng nakatago sa upuan niya, biglang lumiwanag ang muka. surprise kung surprise.

hindi ko alam kung anong meron sa mga bulaklak kasi kung ako ang masusunod, di bale nang walang bulaklak basta may pizza at pasta. pero ayun nga, hindi naman ako babae kaya kung ano ang ikaliligaya ni dude, ‘yun ang masusunod.

mura na ang mga bulaklak ngayon ser. bilhan mo na lang si misis mamayang hapon para bagsak presyo. pero kahit mahal naman, basta para sa mahal mo tingin ko okey lang naman.

pibalemtayms ser! lab lab labia! loljoke.

gasti: haha! iba ka talaga dumamoves eh. natutuwa nga ako sayo at masigasig ka pa rin sa pagpapaimpress kay dude mo. tuloy tuloy lang ang ligaya! happy valentines day sa inyo.

4. nette - Pebrero 15, 2012

ay so true kalurki ang babae..sabi ng hubby ko nung umaga pa lang kung gusto ko daw magdate kami ako daw taya..huwat??? anyways, after namin bumili ng celphone nia, nadaan kami sa flowershop, sabi nia bili kita ng flower ha, isip isip ko mokong na to, d pa bumili agad at nansurprise sana, anyway, bilang babae na atat ding makareceive ng flower paminsan mnsan, tumango ako, kaso nakita ko 120 dirhams sandosena, hinila ko sia paatras, sabay sabing, eh dagdagan mo na lang ulit ng 120 eh me relo na ako, so ending nia, gora kaming naghanap ng relo, nadaan kami sa swatch, 250 yung me sabit sabit na puso, so keri na kasi valentine naman hihihi,add100 daw at me surprise na relo pa, naakit ata sa saleslady kaya napaoo na rin ang lolo mo,at akalain mo, meron pang free na fresh na roses hahaha..o di ba, me dalwa na akong relo, me bulaklak pa din akong tangan tangan pauwi na parang beauty queen lang.. ahahaha…my Vday 2012!….

parang d ka syado blog these days ah…bisi bisi? ingatz!

gasti: naks jackpot ka dyan pala..hehe! saya ng valentines nyo. maganda nga rin yang nakakapagdate pa rin minsan para panrelax lang ba.
busy na talaga ko sa work eh. sinisingit ko lang yung pagbablog minsan para malayo sa work ang utak.

5. salbehe - Pebrero 15, 2012

Last week pa, tinanong ko na si Boyfriend kung anong plano nya sa Valentines, sabi nya hindi daw sya nag-ce-celebrate ng Valentines kahit kailan. Nakakainis di ba? Tatlong taon akong naghintay na may maka-celebrate ng Valentines tapos yung Boyfriend ko hindi nag-ce-celebrate! So kahapon, pumunta kami sa nearby bulaluhan para dun kumain para medyo special naman ang dinner namin. Ang isang order ng bulalo ay pang-apat na tao, dalawa lang kami kumain. Naka-tatlong salok yata ako ng mainit na sabaw. Ang daming laman at taba, okay sa olrayt! Umorder pa ako ng extra rice.

Pagkatapos namin magbulalo, umuwi na kami. Binalak namin mag-jerjer pero hindi na namin nagawa dahil sa sobrang kabusugan.

gasti: haha! buti nga at nakapagdinner date pa rin kayo kahit papano eh. eh yung mga presyo ng bulaklak nung valentines mas mahal pa sa 2 order ng bulalo. ang importante eh may bf ka na this valentines. happy na rin.

6. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Pebrero 17, 2012

uulitin ko lang dito yung sinabi ko sa lahat ng “social media” na may account ako. ang valentines ay pinauso lang ng kung sino man para kumita sila! or pagkabasa ko nito, pwede rin mga babae nagpauso para lagi silang may matatanggap every year. bwahahahaha.

(isipin mo yun, anniversary, o sa iba monthsary pa, iba pa yung wedding anniversary, meron pang birthday… ah tama babae nga nagpauso niyang valentines.)

gasti: hindi natin alam baka babae nga nagpauso nito. haha! o kaya isang lalake na may business na bulaklak.

7. akda - Pebrero 18, 2012

Lecheng valentine’s, muntik na kong malate dahil parang christmas season ang drama sa Morayta kanina. Isip ko tuloy, “kayo na may mga lovelife, pero pwede kayo tumabi at sa gilid ng kalsada maglakad ng mabagal? come on, Morayta naman to, di Luneta. Late na ko!!!” Hahaha! Hay, valentine’s glad it’s over… LOL. Bitter e.

Dami ko lang tawa sa flowers para sa flowers, at chocolate para ganahan siyang kainin ka at magandang bihis para sa hubaran session. Hahaha! Ngayon ko lang naisip, oo nga no?🙂 happy belated valentine’s!

gasti: ramdam ko ang pait ng experience mo. haha! yung mga estudyante naman karamihan ng parokyano nyang valentines eh. lalo na sa mga motels sila talaga ang suki. yaan mo darating din ang chance mo. baka next valentines isa ka na rin sa dahilan ng pagkakatrapik.

akda - Pebrero 18, 2012

**ah, hindi pala kanina, nung Feb14, I mean…🙂

8. Jenny - Pebrero 18, 2012

kung gusto mo hindi mag effort tuwing Valentine’s Day, lipat kayo sa South Korea kasi doon every Feb. 14, ang babae ang magbibigay ng regalo chorva sa mga lalaki! hahaha

gasti: alam ko maraming magagandang babae sa Korea pero hindi ko na kelangan pumunta run para maexperience yang bigayan ng bulaklak na yan dahil ibang flower naman gusto ko. yung kumakatas. lolsjoke.
type ko sana si Grace Lee kaya lang binakuran na ni P-Noy eh.

9. Addie - Pebrero 18, 2012

Ewan pero di ako fans ng bulaklak e. Nung last time, hundred years ago, na binigyan ako ng flowers tinapon ko sa basurahan. Alam kong ang bad naman nun, kaso shy ako mag-walk sa road dala ang mga iyon e. Ewan.

Ayoko din masyado ng tsokolet, pero mas okay na yun kesa sa flowers. Di ako mahilig sa matatamis pero naubos ko naman agad yung mga sweets na binigay sakin nung Valentine’s. Hay, ewan.

Ang gulo.

gasti: wow hanep. sayang naman. siguro masasaktan ako nun kung ako nagbigay. tapos ibabaling ko na lang sa iba ang tingin ko. hehe! well, siguro naman kung gusto mo yung taong nagbigay baka pinasok mo na lang sa bag yung bulaklak eh maiuwi lang.
ok talaga ang chocolate at hindi naman siguro nagbabago presyo nyan kapag valentines hindi gaya ng flowers na triple talaga. baka naman gusto mo rin yung taong nagbigay ng chocolates kaya nagawa mong ubusin lahat. pampagana kasi yan.

10. Ape - Pebrero 19, 2012

Ewan ko pre pero gaya mo, hindi rin ako baliw na baliw sa pagcecelebrate ng Valentine’s day. Isang beses pa lang nakatanggap ng bulaklak sakin ang asawa ko. At yun ay nung kasal namin. Gago na kung gago, pero aanhin niya ang bulaklak na nalalanta, tsokolateng natutunaw at nakaka-ubo (kung sobra)…kung andito naman ako presensya ko, at ang katawan ko. Lol.

Bumibili nlng ako ng pizza at dvd…habang pinagsasaluhan namin ang gabi.

gasti: syempre naman gastusan, insecurean at kahalayan lang naman yang valentines eh. lols! tama ka naman dyan sa sinabi mo. presensya at katawan lang sapat na.
nanood ka ba ng porn kapag valentines? haha! ayos yang pizza. pwede pang pa-deliver na lang sa bahay.

11. Maldito - Pebrero 19, 2012

lol @ dinigugan.ahahahhhahaa….
may date din ako noong valentines..sa katunayan nga nag overnight pa kami….
ako at ang aking office table sa office..ampotah.
bago na pala pinagtratrabahohan ko….parang dating company ni apollo..

gasti: nabembang mo ba naman yang table mo? haha! congrats sa bagong career. ambilis mo nga nakalipat eh

12. Gelo - Pebrero 21, 2012

“I mean. kelangan ba talaga interviewhin ang mga local singers natin para tanungin kung anong naging impluwensya nya sa kanila? napakawalang sense.”

– amen!!!!!

regarding valentines day? nah…buti nlng pareho kami ni misis na di mahilig icelebrate un, although I got a gift from her. Asa xa na may regalo ako sa kanya dahil pareho tayo bossin, pulubi ngaun. hehe

gasti: ayos ah ikaw pa may gift. haha! bawi na lang sa ibang araw pre. di naman kelangan makisabay ng valentines eh. paghandaan na lang natin ang anniversary.

13. Little Miss Pataki - Pebrero 27, 2012

Yung officemate ko, sya na mismo nagsabi sa boyfriend nya na bigyan sya ng flowers. Mahirap na raw kasi, kesa naman malimutan atlis pag di sya binigyan may dahilan sya magtampo dahil sinabi na nya mismo. Haha.

Mas malakas ata ang cinematic effect ng dinuguan kesa sa matipunong braso. Nyay! Hindi ko maalis ang image sa isip ko. QUE HORROR! Trololololol.

gasti: haha! diretsahan na pala ang labanan ngyon. demanding? eh kung wala pera eh kelangan pa ipangutang para lang makasabay sa valentines.
maganda nga yang naisip mo. suspense thriller ano? tapos punumpuno ng aksyon. lols.

Little Miss Pataki - Pebrero 28, 2012

Actually, yung boyfriend nya nagsabi sa kanya na walang pera. So pautang daw. So sabi nung officemate ko, “sige pautangin kita”.

O diba, winnur!

gasti: hahahaha! mabait naman pala eh. nagpapautang pa. siguro mahilig talaga sya sa bulaklak.

14. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Marso 16, 2012

Eksaktong isang taon na pala ang nakalilipas ng magtapat sayo si arkhut. bwahahahaah. nakita ko lang ngayon.

15. emilayskie - Mayo 2, 2012

Wahahahha.. Natawa ako rito! Ganyang-ganyan nga ang Valentine’s day sa Pinas. Nakakamiss na! Hahaha.. Dito sa NZ hindi masyado romantic yung mga tao. Haha.. Konti lang ang nakita kong may hawak ng bulaklak na naglalakad. O baka naman sakay kagad sa kotse yung bulaklak nila. Di ko alam.

Pero nakaka-miss talaga yung season na yan na maraming naglalako ng roses sa kalsada tapos mate-tempt kang bumili para sa special someone mo. Hahaha..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: