jump to navigation

oh! nagulat kayo noh? Setyembre 3, 2012

Posted by gasti in bakasyon stories, to whom it may concern.
trackback

akala nyo si Paulo Avelino? nagkakamali kayo mga girls! easy lang kayo dyan. ako lang to si Gasti Houtenco. nagbabalik makalipas ang ilang buwang pagbabakasyon sa blogging. buti na lang napanaginipan ko kagabi kung ano yung password ko.

psensya na. matagal na kasi akong kinukulit ng mga anak kong sumali sa Mr. Pogi eh! ewan ko ba kung anong pinagkakain ng mga yun. nasobrahan na yata ng sopas sa iskul.

little girl: Daddy dapat sumali ka dyan sa Mr. Pogi kasi ang pogi mo. Dali na Daddy! sali ka na!

gasti: o sya sige mag a-audition na ako bukas.

little girl: Yess! Woooh! Go Daddy! Go Daddy!

little boy: Galingan mo Daddy! Chi-cheer ka namin. ang pogi mo talaga!

ansaveeeeH???! hahaha! natatawa na lang ako sa mga kalokohan nito eh. age requirement pa lang hindi na ako papasa. lols! nakakabwisit pa nga panoorin minsan yung ibang contestant na wala naman talent sa pagkanta pero nagpipilit pa. siguro nga kasi mas gugustuhin mo ng magmukhang tanga habang kumakanta kesa naman mag effort pang sumayaw na mukhang retarded ka rin.

hindi ko alam kung san ako magsisimula at kung ano ba dapat ko ikwento. saka hindi ko nga rin alam kung may mga kaibigan pa ko dito. friends? asan na kayo? pagsaluhan natin itong dala kong pansit. huhuhu!

simulan ko ang update ko sa latest na lugar na napuntahan ko. tutal naman eh yung last entry ko ay tungkol rin sa bakasyon. lubusin ko na ang paglalamyerda. onti na lang magiging travel blog na to at mafi-feature na ko ni Jessica Soho.

Bohol is the place to be. gandang lugar. hindi lang pampamilya, pang isports pa. first time ko sumakay ng zipline. antaas at ang layo pa ng narating! mga 14 seconds. haha! sulit na sulit ang bayad na 350 pesos sa ganda ng view. bilib din ako sa anak kong babae na sumama sakin mag zipline. 3 yeras old pa lang sya pero game na game sa lahat. parang naka-modess lang. buti hindi nagmana kay misis na takot sa mga mataas na lugar at mabilis na rides. eh kahit ferris wheel nga iniyakan nun eh eto pa kayang zipline? ayun magkasama silang tagakuha ng litrato ng anak kong lalaki na isa ring takot sumakay.

syempre hindi kumpleto yung bisita mo sa Bohol kapag hindi mo masilayan ang Chocolate Hills. sayang nga lang at umuulan at madami extra sa paligid kaya hindi ako nakapag jumpshot. buti na lang nakakita ako ng rainbow. konek?

nasilayan ko rin ang tarsier. shy type pala sila at bawal hipuin. madali daw kasi mastress at may suicidal tendencies. mga loser pala amputs. sabi ko na nagdadrugs yang mga yan eh. pero nakakainggit din sila. marami kasi ang gustong magpapicture. daming magagandang babae ang lumalapit. minsan akmang hahalikan pa sila. dadakmain. sasakmalin. at aanuhin. may namataan pa kong magandang chiching na nagbabantay sa isa sa mga tarsier. muntikan na nga ako kumapit sa puno at pandilatan ko yung mga turista run para ako na lang sana ang babantayan nya. gusto ko nga sya kausapin at sabihing sya na ang pinakamagandang babae na tagabantay ng tarsier sa buong mundo tapos saka ako magpapapicture sa kanya.  mas magandang souvenir sana yun kesa makatabi ng mukha ko yung tarsier na lulong sa drugs.pero kelangan kong sumunod agad kay misis at baka hanapin ako. mahirap na.

kumain din kami habang nakasakay sa isang cruise ship! along Loboc River. ganun kami kasosyal. pinagkasya namin ang cruise ship sa ilog. hindi rin makakalimutan ang eksenang “Excuse Me – sabay hawi sa aming lahat na nakapila” ng isang mala matronang tourist guide ng mga foreigner. akala nya yata Hawi Boy sya at hindi guide. dami tuloy nabwisit sa kanya.

ganda rin ng beach. sa sobrang pino ng buhangin, kumain ako ng konti. joke. naglagay lang ako sa bote ng mineral para remembrance. tapos syempre may mga foreigner na naman. napansin ko lang dati pa na bisyo na talaga nilang magpalit ng damit sa tabi-tabi. at hindi lang sa ibang tabi ha. sa tabi ko mismo. mukha ba akong bastusin? hindi naman sa ayaw kong may naghuhubad sa tabi ko lalo na at maganda at seksi naman yung nanggaganun sakin pero kasi sana next time yung wala naman kasamang boyfriend. nakaka ano kasi eh. wag ganun. nagulat talaga ako nung hinubad nung babae yung damit nya at pang ibaba na tuwalya lamang ang takip. pati yung bra at panty pinalitan nya sa harap ko. kitang kita ko kung pano nya hinubad at sinuot yung mga pamalit nya. ng hindi sinasadya. oo! hindi ko sinasadya. biktima lang ako ng mga pagkakataon.

pagkatapos magpalit ni babae, yung lalake naman ang nagbihis. sinabuyan ko sya ng buhangin sabay sigaw ng “Not here! asshole! Shooo! Shooo!” . syempre sa isip ko lang yan. hehehe!

gaya ng inaasahan, paglusong nila ng dagat, dun na sila naglaplapan. how romantic.

yung last na pinuntahan namin yung Zoo na may malaking phyton at others. picture-picture at uwian na rin. nothing much to share. maganda sana kung hindi pa nakakain yung sawa para agresibo sa kulungan pero busog eh. kaya antukin sila lahat.

sarap talaga mamasyal. magastos nga lang kaya ito na rin siguro yung huling bakasyon namin for this year.

———

it’s been a long while pero gusto ko pa rin pala magblog. may next entry pa ko.🙂

Mga Puna»

1. apollo - Setyembre 4, 2012

oy welcome back pre!

gasti: thanks pre! nagsimula na nga ako magbloghop ulit para malibang.

2. hana banana - Setyembre 5, 2012

misss na misss ko nang tumambay dito…
as usual, natawa ako nang bonggang bongga sa post na ito ^^
yay!!!! welcum back gastiiiiiiiii =)

gasti: salamat naman sa pag welcum. cum talaga eh? haha! miss you too

3. Gelo - Setyembre 12, 2012

welcome back pre, matagal matagal din mula ng huling post..hehe

4. BON - Setyembre 14, 2012

welcome back!! =)

5. Glentot - Setyembre 24, 2012

Wow ah from Mr Pogi to lampungan sa beach. At least yun lang ang ginawa, hindi nag-show! Or sayang hindi yun ang ginawa? LOL

gasti: kissing scene lang naman sa dagat ang naispatan ko. ayos na rin pantawid gutom. hehe!

6. bagotilyo - Setyembre 27, 2012

ang tapang ng daughter mo … hahaha

muka ka daw malinis at hindi mamboboso kaya sa tabi mo sila nagbibihis..

Welcome back😀

7. emilayskie - Nobyembre 14, 2012

Uy sarap naman diyan sa Bohol! Inggit ako! Gusto ko ring makarating diyan. Huhu.. Sana next year makapunta na ako.

gasti: yup. sarap maligo dyan sa Bohol. nakakarelax. worth it pag ipunan ang bakasyon.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: