jump to navigation

trying to get the feeling again Abril 22, 2013

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

uunahan ko na kayo. hindi tungkol sa love story ito. wala pa akong time para magpost ng mga ganyan. saka isa pa, hindi ko na nga rin alam kung papano ko ba sisimulan itong pagbabalik ko sa pagbablog eh. gusto ko kasi pagkatapos nito dire-diretso na. hindi lang ididikit, ibaon na agad. pareho lang tayo mabibitin nyan eh.

let’s just say na ngyon lang ulit ako nagkainteres magsulat talaga. marami naman sana pagkakataon noon pero nawalan lang ako ng gana. siguro kasunod na nito yung pagja-jogging sa tabing ilog at sa sportscenter. saka yung pagpupush up sa umaga para tubuan ng manboobs at crunches naman para maglabasan ang mga pandesal sa tyan. kelangan maagapan ko na dahil mukhang 2 months preggy na yung sakin. pero good news na rin dahil nag gain ako ng 20 pounds from last year. isipin nyo na lang yung katawan ni Nonito Donaire kapag official weigh in.  same weight minus the muscles. haha!

speaking of Nonito, isama na rin natin si Pacquiao, Hawaian Punch Villoria, at yung latest kahit hindi naman sya ka-level ng una kong nabanggit, si Boom Boom. sunod sunod ang talo nila. naubos na ang mga idol ko at nakakainip maghintay ng kung kelan sila makabalik ng ring para makabawi sa pagkatalo nila. makapanood na nga lang ng basketball.

speaking of basketball, panalo Barangay Ginebra kanina kaya pasok na sila sa Semis. kahit papano nakapag cheer din. habang hawak ang antenna dahil malabo ang signal. para paraan lang yan.

nanonood din ako ng NBA. at sa tingin ko, malaki ang chance ng Miami Heat na makapag champion ulit. iba talaga kapag may sapi ang player. saka pag maraming haters.

bago ko nga pala tapusin ang entry na to, gusto ko lang magpasalamat sa mga napadpad dito kahit matagal na walang update. pati dun sa researcher ng Jessica Soho na naghahanap ng old skul na laruan. sayang at hindi ko agad nabuksan yung blog at email ko. siguro hindi pa ito yung tamang panahon para makita nyo ang mukha ko sa tv. joke!

Mga Puna»

1. Gelo - Abril 23, 2013

welcome back pre!

gasti: salamats!

2. lio - Abril 23, 2013

‘yun o, nag-blog din sa wakas. mabuti na lang talaga naka-subscribe ako sa feed niyo ser.laging first dibs. hehe.

pareho tayo, ser. magtu-two months na rin ‘yung butete kong tiyan. hirap kasi mag-jogging. mabuti na lang nakakapag-pushup pa rin maski papano.

palagay ko etong 2013 na ang pinakamatamlay na taon para sa philippine boxing. wala eh, puro nangamote lahat ng mga pinakakilalang pambato natin sa lona. si donaire kasi, may pa-french fries french fries pa. lol!

maka-never say die din ako. mabuti na lang talaga naisalba pa ni macklin. bigat ng RoS ah; twice to beat advantage pa sila pero kinaya pa rin ng brgy ginebra. susunod na ang tnt sa patatabuin sa semis. go brgy ginebra!!!

OT: anyare sa crib ni jeck? nawalang parang bula. nagkita kami neto lang sa beatles tribute gig nina ely b. at clem sa isang bar kaso di ko nakuha number niya. humihingi kasi si dude ng mga kuha ni jeck nung gig. penge nga kong number nia ser. kahit sa email na lang: thessddmantra@gmail.com. salamat ser gasti! inom inom din pag may time.hehe.

gasti: oy lio! nakwento nga sakin ni Jeck yung pagkikita nyo. ksama mo daw si dude mo at hindi ka nya namukhaan kasi tumaba ka. hanep! asensado na. wala ako number ni jeck eh sa fb lang kami nag uusap. tanong ko mamaya tapos email ko sayo. tara inom na. kayo lang nalasing dati kasi ice tea lang naman order ko. haha!

update: deactivated na pala account nya ngyon sa fb.

L - Abril 25, 2013

haha. medyo nanaba nga ser. konting weights tsaka pushup lang ginawa ko. ayun, nagkalaman din maski papano. gym gym din pag may time.

actually, na-ispatan ko na siya nung pagala-gala pa lang siya dun sa gig. sabi ko parang kilala ko ‘to. pero nahiya naman akong kalabitin at baka hindi nga siya si jeck. nakasalamin na kasi. tsaka picture nang picture dun sa dslr niya. may kasama rin siyang chick nun eh; kleng ata or klang ‘yung pangalan.

sino o ano kaya pinagtataguan nun at puro na lang bangkarote mga social sites niya? anyway highway, kapag nagkita kayo ser, o pag meron ka na ng cp number niya, penge na lang ako. or much better kung sabihin niyo na lang na humihingi si dude nung mga kuha niyang litrato nung gig.

daghang salamat!

gasti: ok sige balitaan kita agad pag may nakuha ako impormasyon. mukhang nahihilig na pala sya sa photography. si Clang yung kasama nya sabi nya. gusto ko na nga rin bumalik sa pag gym eh. pero dapat sa bahay muna ko magsimula magpakundisyon.

3. apollo - Abril 23, 2013

Welkam back pre! Tagal mong naging invisible. Haha!

gasti: oo nga eh. invisible pati mga entries. hehe!

4. foobarph - Abril 23, 2013

sayang naman gasti! magpakita ka na sa TV!🙂

gasti: saka na kapag maganda ang offer.

5. salbehe - Abril 23, 2013

Welcome back Gasti. Alam mo ba nung isang linggo pinag-uusapan ka namin. Ganito:

Blogger: Maganda ba sa Ilocos?
Salbe: Oo! May dinosaur dun!
Blogger: Tanga neto.
Salbe: Totoo, nabasa ko sa blog ni Gasti.
Blogger: Buhay pa ba si Gasti?

gasti: hahaha! pag hindi nakapag update sa blog patay na? pakisabi buhay pa. lahing Ginebra eh. never say die.

6. IKAY - Abril 25, 2013

pang ilang welcome back na ba ito??lol
sabagay kasi minsan kapag nasimulan mo ng mg hiatus eh nakakatamad na din talagang magsulat ulit…hehehe
kaya welcome back ulit manong gasti!..😛

gasti: hindi ko na rin alam kung ilan na. parang kabute lang ano?! kelangan ko lang naman ng inspirasyon para magblog ulit


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: