jump to navigation

malaking tv Mayo 2, 2013

Posted by gasti in to whom it may concern.
Tags:
trackback

may binili kaming tv nung December. may kasama ng home theater at wall mount. alam nyo naman kapag mga ganyang buwan maraming SALE. bukod pa yung mga 3-day sale sa shopping mall na tuwing sweldo nagsusulputan. last month lang namin sya ginamit nung lumipat kami ng bahay. at last week lang kami nakabili ng external HD para maayos mapanooran ng mga movies.

satisfied naman ako sa laki na 42 inch. maganda ang resolution lalo na kung maganda ang nadownload mong movie. yung sound depende rin sa file na pinasok mo. may malakas, may mahina at sa hindi ko malamang dahilan, meron ding walang sound. meron ding hindi nag-play (unsupported file). at yung isa pang nakakadismaya eh bigla na lang tumitigil at nagrereset na movie kapag more than 2 hours yung pinapanood mo. nasubukan ko na yan sa superman, the hobbit (considering, nagpromote pa sila ng movie na to. ), lord of the rings at harry potter. sablay talaga yung internal movie player nya. 

nga pala, hindi ko naman itatago yung brand dahil gusto ko ring bigyan ng idea yung mga nagbabalak pa lang bumili ng tv. sa dinami rami ng naglabasang brand ngyon pati na rin mga sabik makabentang salesman, talagang mahihirapan ka makapili ng da best para sayo. lalo na sa mga limited lang ang budget. ito lang masasabi ko, do some research first. wag masyado makinig sa pinagsasabi ng salesman at wag pabago bago ng isip.

think very hard before buying a DEVANT tv. hindi naman kasi talaga yan ang balak ko bilhin kaya lang medyo nagtitipid kami sa budget namin para sa tv at nung i-suggest samin yan, nagustuhan ko na rin. transformers pa yata yung palabas noon.

nanghinayang tuloy ako dahil yung 1st choice ko eh yung SONY na 40 inch. baka mas maayos yung internal movie player nun. next time na lang kapag bibili na kami ng tv naman sa kwarto.

pahabol pa pala. may narinig naman ako isang lalaki din na namimili ng tv. ayaw naman nya ng samsung na brand dahil mga isang taon lang daw tinagal ng tv nya at bigla na lang namatay. ang masaklap, hindi na sakop ng warranty period. kaya ayun nag explore sya ng ibang brand.

not sure kung may mga hindi rin satisfied na customer ang SONY, LG, TCL o yung iba pang brand na nagsulputan ngyon. so far naman ang problema ko lang dito sa DEVANT eh yung internal movie player na pwede masolusyunan kung bibili ako ng external HD movie player na siguro mga humigit kumulang tatlong libong piso rin. hindi naman siguro isolated case ito dahil may mga nabasa rin akong same problem sa ibang buyers ng devant. pero para makasigurado, ipatest nyo yung mga movie na mahigit 2 and a half hours gaya nga ng The Hobbit or Ten Commandments. kapag nagreset yung movie, tingnan nyo ng masama yung salesman na kausap nyo sabay walkout.

Mga Puna»

1. salbehe - Mayo 2, 2013

Ganyan nga ang DEVANT! Hindi ko maalala ang tatak ng TV namin ngayon pero hindi Sony o LG o yung sushalan na tatak. Made in Malaysia. Pero! Nakaka-play ng kahit anong file format, nakaka-abot naman ng more than 2 hours playing. Nakakabasa ng USB, HD player kahit phone at mp3 player ay nababasa. Yun nga lang, hindi ko maalala ang tatak basta hindi sushal.

Okay ang screen quality, basta okay din ang file na babasahin. Okay din ang presyo, kalahati ng sa Sony. Last year, nasira namin yung TV na yun, buti pasok pa sa banga ang warranty kaya may pumunta na technician sa bahay para palitan ang motherboard ng TV, wala kaming binayaran kahit isang singkong duling. Yun nga lang, hindi ko maalala ang tatak basta hindi sushal.

gasti: ok yang tv na nabili mo ah. buti nakahanap ka ng matino na mura. yung sa bayaw ko TCL naman ok rin yung picture quality. hindi ko lang sigurado sa internal movie player kasi gumagamit sya ng external player eh. actually ako lang naman talaga affected sa slight defect ng tv. ako kasi pinapili eh kaya parang ako din yung nagkamali.

pero so far yun lang naman problema. wag na sana madagdagan.

2. akda - Mayo 2, 2013

Lagi ko kasing naiisip kapag sobrang mura, may mga nacocompensate na parts, syempre di naman pwedeng jackpot tapos sobrang mura lang. For TV Sony or LG, pero mas gusto ko talaga Sony. Lagi kong nakikita sa mga ads sa kung saan-saan ung Devant. Minsan nakaka-tempt din kasi bumili lalo na kapag gusto mo na ngayon, tapos yung budget kapos ang keri lang e ibang brands…

Magandang gabi!

gasti: ako naman kasi naisip ko brand name yung nagpapamahal. pero yung parts kasi hindi naman natin malalaman isa isa kung san galing yun eh. tamang hinala lang. nakakatulong lang satin yung mga feedbacks ng mga consumers para malaman kung aling brand yung matino talaga. at kung ano ang dapat nating pagtiwalaan.

3. L - Mayo 3, 2013

loyal din ako sa sony, ser. mula cellphone, digicam, at tv, sony na kami. medyo may kamahalan lang kumpara sa ibang brands pero talagang sulit naman. at ayoko talaga niyang samsung. muka kasing cheap tingnan, parang kinapos sa quality. hehe.

gasti: akala ko nga din dati maayos yung quality ng samsung eh. ang mahal din kasi halos kapresyo ng sony at LG. yung next na tv namin sa kwarto siguro 32 inch na lang para hindi na masyado masakit sa bulsa. SONY na talaga.

4. tabianmuch - Mayo 3, 2013

kamusta naman ang pag test ng 2 and a half hours? di kaya si kuyang sales man ang mag walk out sa hinaba ng testing period? LOL

so far nung na holdap ako ng nanay ko para ibili sila ng bagong TV eh ayus pa naman yung Sony na nabili ko, buhay pa sya sa awa ng Diyos! at sana humaba pa ang buhay nya dahil masakit sa bangs!!!

haba…hello ser gasti!😀

gasti: hi tabian. eh kasi yang mga salesman masyado pabida, lahat daw ng format nape-play o eh di subukan lahat ng format na meron sila pati yung mahahabang pelikula.

good buy talaga sony. kahit magpromo sila mahal pa rin eh

5. Jhandervine - Mayo 6, 2013

sony din gamit namin sa house, ng 1st bday na siya last month.ok naman siya kahit patay sindi gawa ng anak ko. iyong tcl napanalunan ko last christmas party sa company 1 month pa lang namin ginagamit di ko pa alam till when it will last…May LG din ako for ukay na siya pero in good condition pa, eto iyong malaki ang body pa.5 years na samin. kay mother naman samsung di ko type resolution, na ee stretch ang mga tao palapad..

gasti: ayos ah. pakyawan lang ng tv. swerte mo naman sa raffle buti ka pa. wala naman ako problema sa resolution ng devant kasi maganda naman talaga. yung internal movie player lang talaga gusto ko icompare sa iba kung namimili din ng kaya i-play.
thanks sa inputs!

Jhandervine - Mayo 7, 2013

ah sa sony ko tried and tested na siya sa lord of the rings using usb ok naman.

6. BON - Hunyo 9, 2013

Devant parang Deviant Art lang ah hehe. andyan na yan kaya bili ka nalang ng ibang player hehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: