jump to navigation

bantay bata Mayo 22, 2013

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

may isang taon na rin ang nakalipas ng magresign ako sa trabaho ko bilang alipin ng mga Romano bilang si Gasticus, bringer of pleasure and the slayer of Clitoris. isa na lamang ako ngyong hamak na tagapagpaligo, tagahugas ng puwet, tagasubo, tagahatid sundo at overall bantay bata sa dalawa kong anak. 

mahirap masanay sa ganitong trabaho dahil nakakawala ng social life. bihira na ko magpunta sa mall. mamasyal. mag exercise at bumangon sa kama. batugan lang. lolsjoke.

pero ang pinakamahirap na siguro dito sa sitwasyon ko ay yung kapag nagcheck balance ka sa ATM mo tapos walang perang pumapasok. hindi rin naman kasi regular ang kita sa sideline ko bilang isang insurance agent. at syempre yung bisyo ko sa pangongolekta ng laruan natigil na.

mga dalawang buwan pa lang kami nakatira dito sa bagong bahay namin at most of the time ay 3 lang kami mag aama dito kaya kung bonding lang ang pag uusapan, marami kami nun. wala naman kasi ibang pwede magbantay dito sa mga batang ito kundi ako. wala naman kami makuha mapagkatiwalaan. nakakadala na rin pagkatapos nung mga nauna na kesyo na-homesick kaya umuwi ng probinsya at yung isang pagkatapos magpaalam magbakasyon at mag advance ng 1 buwang sweldo ay hindi na kami binalikan. kasabay na rin ng pagkawala ng singsing at hikaw ni misis. mahirap talaga makatyempo ng matinong kasambahay ngyon.

on the positive side naman, hindi na masyado napapagod ang nanay ko ngyon dahil nakabukod na kami sa kanila. nakalayo na rin kami sa bwisit na mga inggiterang frog na kapitbahay. bumibisita pa rin naman kami doon sa dati naming bahay para makita pa rin nila mga apo nila. at hindi rin naman ganun kalayo kasi taga Marikina pa rin naman ako. sa bandang mataas na parte lang. sa tingin ko naman nagabayan ko sa pag aaral itong mga bata. mataas naman nakuha grades nung last school year at masipag naman mag aral. tyagaan lang.

hindi ko rin sigurado kung hanggang kelan ako ganito. may sisimulan na kasi kami RTW business this year. baka next month na nga pag nakahanap na kami ng magandang pwesto. kung stable naman, pwede ng sa business na ako magconcentrate or kung gusto ko man magpaalipin ulit sa opisina kasama ng mga magagandang chiching, hindi ko rin masabi kung ano mangyari. basta sa ngyon ika nga eh chillax lang habang nakabakasyon pa ang mga bata.

ikwento ko nga pala yung eksena nung matapos tumirik yung van dahil nadiskargahan yung baterya. napaandar ko naman ulit kinabukasan pagkatapos maipacharge.

little boy: Daddy ayos na ba yung van?

Gasti: oo napacharge ko na kaya ok na ulit.

little boy: ibenta na lang kaya natin yung van tapos bili tayo ng Lamborghini.

Image

Gasti: ‘Nak shabu paaaaa.

#wagnyonaitanongkungkaninonagmana

Mga Puna»

1. apollo - Mayo 22, 2013

on a positive side, may taste sa sasakyan ang anak mo pre. haha!

gasti: naimpluwensyahan ko na rin siguro ng pagkahilig sa sportscar. namulat sya sa ferrari eh. naisama ko na nga sya manood ng drift race. next time carshow naman🙂

2. jeck - Mayo 23, 2013

stay at home dad ka na pala. gusto ko rin yan tapos mag aalaga lang ako ng anak ko. tapos marami akong magagawa kasi hawak ko ang oras ko. haaaayyy. someday…

gasti: magiging busy na ulit pag may pasok na sa skul. nakakamiss rin naman yung dati ko ginagawa pero ayos lang. tulungan lang.
pag naging boss ka na pre hawak mo na rin oras mo. hehe!

3. akda - Mayo 23, 2013

Ayos yang little boy mo. Try mo syang sundin. Mawala ka man sa budget, pogi naman sasakyan mo. Hahaha!

gasti: eh kahit gulong nyang lamborghini hindi ko mabibili kahit ibenta ko pa van namin na oldskul eh. haha! diecast siguro pwede pa.

4. tabianmuch - Mayo 25, 2013

hahaha..tawang tawa ako sa chikiting mo ser gasti, sosyal ang taste pang mayaman!!!😀
isa ka palang dakilang houseband at soon to be business man..hehe

5. L - Hunyo 4, 2013

pareho tayo ser. batugan mode din ako ngayon. at di na kelangang itanong san nagmana ang wild imagination ng anak mo. haha! o eh kumusta naman ang chivas on the rocks ni pareng apollo? hehe.

gasti: hindi ko pa nga nabuksan eh. antay pa siguro ako ng weekend. haha!

6. Cris - Hunyo 6, 2013

hi ser pareply naman po kahit sa email. thanks!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: