jump to navigation

faster than the speed limit Hunyo 19, 2013

Posted by gasti in Uncategorized.
trackback

andami ko na namang gusto ikwento pero saka na yung iba. unahin ko na itong eksena nung papauwi na kami galing Batangas. syempre. pasyal pasyal din pag may time. smooth sailing este driving naman at walang aberyang nadaanan. nasa tamang bilis lang at wala namang traffic. hanggang sa makarating ng SLEX…

alam nyo naman dito sa Pinas. marami ng nagpapatupad ng speed limit sa mga kalsada. syempre kung karaniwang tao ka lang gaya ko. ingat ka na sa pagdadrive dahil usually, 80-100 kilometer per hour lang ang pwede. dun nga sa Commonwealth 60kph lang daw eh. may namamaril (speed gun) at kita ka pa sa cctv. wala kang lusot pagdating mo sa toll, obligado kang ipahiram ang lisensya mo. hindi ko lang sigurado kung magkano ang tubos pero sabi ng bayaw ko na nahuli sa NLEX naman na nagpatakbo ng 160kph sa bago nyang Toyota Innova noon, may kasama pa daw sermon (seminar sa maingat na pagdrive) bago mo makuha ulit lisensya mo. ayoko ng ganyang klase ng hassle kaya lagi ako nakabantay sa speed meter pag nasa expressway.

laking gulat ko na lang nung biglang may mga nagsulputang mabibilis na motor. hindi ko sigurado kung anong brand. pero siguro may BMW saka Ducati. anlupit lang humataw ng takbo eh. swerving kung swerving. parang mga sindikato na hinahabol ng mga pulis. medyo naasar ako dahil ang yayabang ng dating nila. walang pakialam sa ibang motorista at walang sinusunod na batas.

nang makalayo na ang mga motor, kalmado na ulit ang kalsada. balik na ulit ako sa pagmomonitor ng bilis. ilang sandali pa, nakarinig na naman ako ng tunog ng makinang bumubulusok. hindi ito yung mga sasakyan na syento bente ah. syento tunog tapos bente ang takbo. alam ko na kaagad na may parating na mabilis. pero hindi ko makita sa gilid o likod ko. nakapwesto ako sa left most ng kalsada o yung overtaking lane na matiyagang nagbabalanse ng bilis na 100kph. 

paglingon ko sa kanan, may humarurot na kotseng pula. isang tingin lang alam ko ng Ferrari. ang tulin! naexcite ako bigla dahil bihira ako makakita ng Ferrari na nakakatakbo ng mabilis. usually sa the fort or edsa mababagal lang naman patakbo dun. saka yung palagian kong nakikita tuwing weekend sa sta. lucia mall na naka park sa may 4th floor. 

anlupit. para lang kaming nakapark lahat sa kalsada nung dumaan sya. walang sinabi ang mga barumbadong taxi. bus, truck at yung mga kotseng nagpapanggap na sportscar sa dami ng sticker. 

tapos may dumaan pang isa pang sportscar, at isa pa, at isa pa. sunod sunod na parang nagkakarera. hindi ko na mabilang kung ilang ferrari yun nakita ko. may puti, may pula, may itim. tapos may Maserati, Camaro, Porsche, Mercedes tapos yung pinakamalupit para sakin yung Lamborghini. tuwang tuwa kami ng mga kasama ko sa loob ng kotse. lalo na yung dalawang anak ko. parang nagising kami lahat at nawala yung pagkaantok sa byahe. hindi ko alam kung ano meron at kung sino ang mga sakay ng mga yun pero hanep magmaneho. walang sinusunod na batas. sabi ko nga sa kanila. habulin ko eh. asa pa! parang now you see me now you don’t lang talaga eh. ambilis nawala. at sigurado ko pag sinubukan kong habulin yun, ako lang naman ang makukuhanan ng lisensya pag nagkataon. may nabalitaan na ba kayong hinuli ng overspeeding ang mga driver ng kotseng nabanggit ko kanina? o siguro ng kahit na anong traffic violation. walang maglakas loob manghuli sa mga driver nyan. may pulitiko, anak ng pulitiko, general, businessman na maraming kapit sa gobyerno, anak ng taga Bureau of Customs, o baka isang tv host na mayabang. 

may kasabihan na money can’t buy happiness pero ako siguradong mas sasaya ang buhay ko kung marami akong pera pambili ng laruan at sportscar. at syempre, share your blessings din para everybody happy.

sa ngyon, pagmamasdan ko na lang muna itong mga diecast sportscars ko. 

Mga Puna»

1. jeck - Hulyo 4, 2013

pag yumaman ka na sir gasti, balatuhan mo naman ako ng aston martin. hihi

gasti: siguro kung ako yung nanalo ng jackpot sa Lotto pagkubra ko ng pera diretso agad bili ng Lamborghini. ipapadeliver ko na rin yang Aston Martin mo. agad agad!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: