jump to navigation

best seller Hulyo 5, 2013

Posted by gasti in one day in my life, pampakiliti, to whom it may concern.
Tags: ,
trackback

isa sa mga obligasyon ko bilang ama at asawa ay ang pagbili ng condom. sa paraang din ito nakatutulong ako sa pagkontrol ng dami ng populasyon sa Pilipinas at generally sa buong mundo na rin. kailangang kontrolin ang mga minions.

at dahil naubusan na naman ako ng stock sa bahay. bumalik na naman ako sa suki kong tindahan. ang Watsons. maganda mamili dito. kukuha ka lang sa istante. iaabot sa kahera tapos babarilin nya. pagkaabot mo ng bayad. ilalagay nya sa brown paper bag at yun. tapos na ang transaksyon. so easy!

pero hindi ko alam kung ano meron nung araw na yun at feeling ko napaglaruan ako. 

Gasti: (dumampot ng 3 box ng Premiere Ultra Thin at inabot sa kahera. akmang dudukot ng pera sa wallet ng biglang may suggestion si ate….)

Ate Kahera: Sir baka gusto nyo dagdagan ng EZ lubricant may promo kami ngyon. bigyan ko kayo form isama nyo lang yung box nyang condom tapos ihulog nyo dito sa dropbox…

pagtingin ko sa promo, grandprize Ducati na motorsiklo

Gasti: ah eh miss….hindi kasi ako gumagamit ng lubricant eh!

Ate Kahera: sige sir lagay ko na rin dito yung form baka maisipan nyo bumili para makasali kayo.

tapos may lumapit pa na  dalawang  kahera at nakisali sa usapan. sinilip yung binili ko sabay ngiti sakin.

Ate Kahera 2: uy ano yan? dami natin benta ngyon ah kasali na ba sya sa promo?

Ate Kahera 3: oo nga noh! ok yan! ganda ng prize. sali na kayo sir!

at ang matindi pa dun pati si Lady Guard lumapit na rin…..

Lady Guard: Kasali rin ba sa promo yung best seller natin? yung ano…yung pampa.. Robust ba yun? ah oo Robust nga!

Kahera 1: ah hindi kasali sa promo yun mga condom lang.

Gasti: ahhhmmm…ok na po ba? sige miss. thanks ha!

Kahera 2 at 3: sige sir! ingat po kayo….

isang mabilisan at walang lingunang exit. mahirap na baka malibang ako sa mga kahera, mapabili ng lubricant at magamit  yung isang box.

 

Mga Puna»

1. apollo - Hulyo 6, 2013

natawa ako sa mga kahera ni watsons. akala ko, magtatawag pa sila ng ibang kasama nilang empleyado para pagkaguluhan yung binili mo. hahaha!

tulad mo, suki din ako ng watsons s condom. apir!

gasti: oo nga eh. close kami agad. sa tingin ko nga pagkaalis ko nagkwentuhan pa sila eh.

apir! siguro dyan sa US mas maraming brand na pagpipilian.

2. jakeyjunkie - Hulyo 9, 2013

Siguro kung ako ‘yon, tapos magandang tsiks ang mga kahera, baka pwede ko biglang isagot sa kanilang offer:

“Sure, baka naman pwede *nating* remedyuhan ‘yan.”

3. bagotilyo - Hulyo 12, 2013

kuyog. hahaha .. kitang kita sa security cam yong pagpalibot sayo ng mga watsons ladies. lol

4. Solid Liquid Gas Plasma Matter - Hulyo 21, 2013

hahaha napabisita tuloy ulit.. (ang tagal ko ring inisip kung ano pangalan.)

pagkatapos ng usapan tungkol sa *bleep* at *bleeeeep* eto ang madadatnan ko? hahahaha. pagkakataon nga naman.

gasti: ayos ang tyempo mo mervs. haha! tagal wala update eh kaya ayun pa rin inabutan mo.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: