jump to navigation

muntikan na Agosto 22, 2013

Posted by gasti in Uncategorized.
trackback

well well well….what do we have here? 

muntikan na. nagbukas lang ako ng blog ngyon para sana pormal na magpaaalam sa plano kong pagsasara nitong kuta ko pero makatapos kong mag cr, nahimasmasan naman. nagulat pa ako nung makitang higit sa isang buwan lang pala ako hindi nakapag update. feels like super tagal na ko hindi nakapag update. like duh! parang may nakakapansin pa sa pagbablog ko bukod sakin.

anyways, tungkol sa pagsasara, matagal ko na kasi plano gumawa ng sarili kong toy blog. hindi naman na bago dahil meron din kami ginawa dating parang ganun nila Maldito at Jeck na makikita sa sidebar ko. ayun sa tinagal tagal hindi na rin nagkaron ng bago update. gusto ko lang naman i-share yung collection ko sa mga kagaya kong nag aadik sa mga action figures saka dun sa mga mahihilig lang talaga….(if you know what I mean) isang post, isang figure with pics syempre at review. ganun lang kasimple. baka bumalik pa ang sigla ko sa pagsusulat. tapos dagsain ako ng mga sponsors. kumita ng limpak limpak na salapi. tapos bili ulit ng laruan pandagdag sa koleksyon. paulit ulit parang circle of life.

kaya lang nung nagbackread ako sa mga entry ko, (after mag cr) narealize ko na..yes may realization na naganap. narealize ko na there’s no place like home. arte lang. pwede nga ako gumawa ng ibang blog na puro laruan ang laman pero pwede rin naman ako magpost ng mga koleksyon ko dito na walang makikialam sakin (dahil maba-block ang mga epal at hindi pagpapalain ni Lord kasama ng mga kamag anakan nya to the 4th degree ang sumpa). at dahil dyan ang next post ko ay tungkol sa laruan. walang basagan ng trip!

 

 

(pero yung totoo, tinatamad lang ako gumawa ng panibagong blog kaya andito pa rin ako)

 P.S. Bandai sana i-approve nyo na request ko for parts replacement. bano lang talaga ako mag apply ng dry transfer decals eh first time ko kasi kaya sablay. give me a chance na maayos ko pa yung itsura ng kits ko.

Mga Puna»

1. Jakey Junkie - Agosto 23, 2013

Okay lang ‘yan bayaw. Ako nga, almost every other three months na lang ako mag-blog. Wala na ‘yung mga dati kong fans. Pero ayos lang, basta pogi ako. Tuluy-tuloy lang tayo sa ligaya. May ilang pagkakataon na din na gusto ko na lang i-take down ‘yung blog ko. Pero sayang din naman ang miles.

gasti: oo nga pareng Jake ang isa pang hindi ko nagagawa eh yung magbloghop. karamihan naman ng bloggers sa sidebar ko nanahimik na rin.

2. Jhandervine - Agosto 23, 2013

ok lang as long as may mababasa pa rin us..(-_-)

gasti: oh hello there jhandervine.

3. kimchipuffs - Agosto 23, 2013

Mabuti’t nahimasmasan ka…at! Mabuti’t nag-cr ka in the first place. Hehehe. Napadaan lang.

gasti: hmmm… parang may nakilala na ako dati na may kimchi sa name. anyways, welcome home.

4. lio - Setyembre 4, 2013

‘yung blog ko, hanggang ngayon may virus pa rin. kaya di rin makapag-blog. hehe. wag ka nang lumipat ser at kakaunti na lang matitinong taong nababasa ko dito sa buladaspir. nawala na nga si glenn at jeck, pati ikaw rin? haha!

ingats ser! kitakits soon!🙂

gasti: sige sabi mo eh hindi naman kita tataguan. basta next time wala ng curfew

5. Glentot - Setyembre 20, 2013

Wag kang magsara ng blog! Isa tong blog mo sa mga binabasa ko eh… BUti nahimasmasan ka matapos magCR

gasti: oy Glentot nagbabasa din ako ng blog mo. mabuti nakakapag update ka pa rin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: