jump to navigation

Pototoys Corner Setyembre 30, 2013

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

as promised ang post na ito ay tungkol sa aking kinahuhumalingang koleksyon. lahat naman siguro tayo ay may kanya kanyang bisyo. mapasugal man yan. babae, alak, sapatos, bags, sex scandals at iba pa. mahalaga sa atin may ibang pinagkakaabalahan bukod sa pagtatrabaho at pagfe-facebook. mabisang paraan to pangontra sa aswang at pagkabaog. try it now!

presenting Gasti Houtenco’s Secret collections…

gundam h-ams custom

HG 1/100 Gundam Heavy Arms Custom

MG heavy arms

MG 1/100 Gundam Heavy Arms Custom

hindi madaling bumuo ng Gunpla. at sa kagaya kong pamilyado na at may makukulit na anak sa bahay, hindi mo magagawa ng isang upuan lang yan. minsan pag napasarap ang pagbubuo, makakalimutan mo ng umihi, jumebs, maligo, kumain at magtoothbrush. baka pati yung crush mo makalimutan mo na pansamantala dahil dito.

malaki rin ang chance na mawalan ka ng gana sa sex dahil dito. maigi na yung alam mo baka sabihin mo hindi kita nawarningan. proceed at your own risk.

pagkatapos mabuo, lalagyan pa ng stickers at dry transfer decals. tapos lalagyan pa ng panel lines gamit ang marker pens. napakatime consuming talaga pero for the sake of beautification project, kelangan mo talaga gawin ang prosesong ito.

 

ang iba ko pang gundams ay Gundam Wing ver. ka, astray red frame, sandrock custom at mga SD ng Super Gundam at Deep Striker. sa ibang araw ko na lang siguro picturean kapag naayos ko na.

 

maliban sa mga robots, meron din akong Marvel figures. binibili ko lang yung mga natitipuhan ko. kagaya nitong mga ito.

DSC_8371

tipid sa space kasi maliliit lang pero maganda yung details at articulation meaning, posing galore. pero meron din ako itinabi na nag iisang marvel figure na 6 inches ang height.

Face Off Hulk by Toybiz

DSC_8308

the best Hulk ever! arte lang. syempre mas astig pa rin yung gawa ng Hottoys pero masyado ng madugo ang presyo nun at family size yung height mga 18 inches. masaya na ko dito.

at yung last na i-share kong toy for today ay yung bago kong kinaaadikang lego minifigures. yung size nito nasa 3 inches lang pero yung presyo hindi mababa at mahirap din maghanap kaya yung iba nabili ko pa sa mga international seller sa ebay. ganun talaga eh! pag gusto, may paraan. kung tutuusin naman mas mataas talaga magpresyo mga kababayan natin eh. maigi din yung maghanap ka muna ng best at cheapest deal bago ka bumili.

and here’s my lego minifigure collections so far.

DSC_8354

paborito ko dyan yung spartan warrior. at sya rin yung pinakamahal sa lahat.

at syempre yung promo ng Shell na Ferrari Lego nakumpleto ko din.

DSC_8345

 

o sya tama na siguro yan. next time naman yung iba.

akalain mo yun. dati rati ang kinokolek ko lang ay mga teks, pogs, balat ng candy, laste, tansan at mga pangtanching na laruan. nung maghayskul naging NBA cards at magic cards. nung magcollege, pinaghubarang panty ng mga chiching wala na ako kinokolek dahil subsob ako sa pag aaral. joooooke! naging abala sa pagbibilyar, counterstrike, alak at gelpren. madami rin talaga benefits kapag nagtatrabaho ka na at kumikita ng sarili mong pera. nakakatulong ka na sa family mo, nasasatisfy mo pa ang mga hilig mo.

magiging busy na pala ulit ako next month dahil magsisimula na ako magtrabaho sa sakahan. feeling happy at grateful lang ang pwede ko status ngyon. hello sweldo. hello 13th month pay. we will meet again. soon!

 

Mga Puna»

1. apollo - Oktubre 1, 2013

welkam sa sakahan pre! may malaking lego store sa mall of america dito. kung may gusto kang ipabili, email/ping mo ako. mura lang. lols!

gasti: wow! magpapabili talaga ako pards ha! dito kasi overpricing eh! hindi na makatarungan ang presyo. thanks sa pagwelcome sa sakahan nyo.

lio - Nobyembre 28, 2013

magkapareho na kayo ng company? ayos yan. pwede ring lumipat? haha! kumusta na mga ser? kumpleto rin namin ni dude ‘yung shell ferrari collection. pero tingin ko nginatngat na ng mga kuting nila ‘yung ibang parts. lol!

2. doroastig - Marso 3, 2014

Your blog has a special place in here


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: