jump to navigation

About

Noong unang panahon, taong 2005 isinilang ang isang mangmang na blogger sa loob ng opisina dahil sa pagkaburaot. dahil sa kamangmangan sa mundo ng blogging world wala syang ibang maipost kundi pictures na ninenok sa internet sa tulong na rin ng google. dahil sa walang ideyang pumapasok napagpasyahan nyang itigil na lang ito. bumalik sa pagtatrabaho at panonood ng show sa mga chatroom hanggang isang araw nagising sya na wala na palang trabahong papasukan. (YM status: offline)

Nang makahanap ng panibagong trabaho buwan ng Oktubre, sumaya sya ng kaunti. buhay na ulit ang bisyo.balik sa online world. ang una nyang sweldo ay napunta sa panganganak ng misis nya. walang natira, nakautang pa. nang mahimasmasan, bumalik ulit sa pagtatrabaho. nagsumikap na itaguyod ang kanyang pamilya sa abot ng kanyang makakaya. Isang araw naisipan nyang balikan ang kanyang blog na napaglumaan na ng panahon. this time marunong na syang magsulat. marami ng nasasabi maraming nakukwento. katuwang nya sa pagsusulat ang kanyang butihing kumander na aliw na aliw sa pagbabasa ng mga entries nya.hanggang sa dumating ang araw na dumami ang nagbabasa at nagko-comment sa bawat post nya, nagalit si misis. naungkat ang katagang “landian”…bigla na lamang kumulog. kumidlat at bumuhos ang malakas na ulan..nang humupa ito napalitan na ng URL ang blogsite nya. nagsimulang magtago para makaiwas sa anumang uri ng sakuna. (YM status: Invisible to everyone)

Maraming naging cyber friends. nagsimulang pumindot pindot sa mga links. nakibasa sa buhay ng may buhay. naging bisyo na ang blogging. nagtuloy-tuloy ang pagtatago hanggang sa makarating sa WordPress taong 2007. mas dumami ang kaibigan (lampas sampu na). maraming napatawa sa mga pilyong entries nya. umabot ng mahigit libo-libo ang blog hits. isa na pala run ang kanyang kumander. inulan ng batikos ang huli nyang entry na pinamagatang “buking!” kaya kahit labag sa kalooban eh napagpasyahan nyang burahin na ang blog na pinagkukutaan nya. (YM status: Signed out)

pagkalipas ng 7 araw ay nabuhay na muli. mas matapang. handang humarap sa anumang hamon ng buhay. nagbalik para ipakita sa lahat na astig sya. hindi pahuhuli ng buhay. walang inuurungan, walang pinoprotektahan puro kasinungalingan.walang gusot na hindi kayang lusutan…ako si Gasti! (YM status: Available)

isang lalaki, size 8 1/2 to 9 ang paa, may 5 “8 talampakan at tumitimbang ng humigit kumulang sa flyweight division, tigasin kapag nalamigan. umiiwas sa hard drinks at sa mga aggressive na chiching lalo na sa mga bading na mahilig mandakma.

Mga Puna»

1. jeckyll27 - Disyembre 3, 2007

ayos! rakenerol master gasti! tuloy ang ligaya. hehehehe..papahuli ka pa ba? hahahaha!


gasti: wala na kong balak magtago ngyon…gusto ko na lang mag ingat😀 taena si gasti hindi magpapahuli ng buhay yan.

2. koreanmine - Disyembre 18, 2007

weenkkk..kaya pala invisible blog😆 bilib din nmn ako sa fyting spirit mo 😆


gasti: hehe! now u know..thanks for visiting😀

3. angel - Disyembre 20, 2007

kewwll.. Hehehe

4. McRey - Disyembre 29, 2007

hahaha….

5. bomberoking - Enero 21, 2008

“umiiwas sa hard drinks at sa mga aggressive na chiching lalo na sa mga bading na mahilig mandakma.”
-GASTI

teka..,
ayaw mo sa bading..?
i hope not..!
i am gay..!
pero hindi ako nang dadakma..!
hahahahahahahaha..!
anyway..,
care to xlinks..?

gasti: hehe! kung hindi ka nandadakma oks lang😀 sige xlinks tayo.

6. bomberoking - Enero 22, 2008

wahahahahahahahaha..!
safe ka with me around..!
na link na kita..!

gasti: ok na! tapos na kitang ilagay sa links ko😀

7. Geisha - Enero 22, 2008

aba!

ano ‘to gasti???

may bago ka nang mahal???

‘yung kumare ko pa sa binyag ang pinalit mo sa ‘kin…

ateehh magsulian na tayo ng kandila!

hehehehhehe

Peace!

di ka magsisisi dito bombero king!
gasti will take care of you🙂

gasti: uy wag kayo ganyan…natatakot na ko! lols

8. Maldito - Enero 22, 2008

Akin siya!!walang pwdeng umagaw sa kanya..dadaan muna kayu sa butas ng karayom before nyo siya makuha…!!waahhahaa..over my dead body….subukan niyong mahawakan kahit kuko niya sa paa at sisimba kayung may bulak sa ilong….tandaan niyo yan…wahah..

In ferness…sa mga lumang plikulang pinoy yan..lols.. Love you pare..pakiss!!walang malisya!!lalaki sa lalaki!!lols

gasti: haha parang compilation lang ng mga linya sa pelikula ah! hanep! sige basta walang malisya pwede. lols! M2M..♫oh my pretty, pretty boy I love you.

9. liedetector - Enero 22, 2008

sorry na lang geisha and bomberoking… he’s taken…🙂

gasti: ayun lang😀

10. chillidobo - Enero 22, 2008

hoy! May nauna na sa inyo, nakuha na yan! ahahahaha….

o, bakit kayo nakatingin sa kin?

gusto nyo makuha na kayo ni lord?

amp.

gasti: hehe! salamat parekoy ang sweet mo talaga🙂 lols

11. Lenggai - Pebrero 2, 2008

ngyon lang ako napabisita… ayos, me aabangan naman akong ibang nakakatawa… hehehe!

gasti: uy lenggai salamat sa pagbisita..pag nakikita kita unang pumapasok sa isip ko eh yung buhok sa dibdib ni sergio.😀

12. chuvaness - Pebrero 7, 2008

hello gasti..you remind me of my favorite expression nung bata ako

EH GASTED KA PALA EH

hahahhaha…apadaan lang…I added you on my blogroll 🙂

gasti: hehe! gasted? sa expression din nanggaling yung name ko eh! add na rin kita sa blogroll ko malen😀

13. hibachibaby - Pebrero 14, 2008

amen amen amen

gasti: let’s drink to that..hehe!

14. bibomedia.com - Marso 6, 2008

🙂

15. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 11, 2008

gasti: dahil parang penoy/balut pa lang ako magblog..tanga pa ako..panu ba maging summary ang entries ko? asar…pinalitan ko na naman ung sa options>> reading>> summary naman nakalagay pero ewan ko ba..help

gasti: hehe! easy lang pards ganito lang yan…punta ka sa code section tapos hanap ka ng part kung san mo gustong putulin saka mo i-click ang “more”..pagkasave at publish mo eh putol na yung entry mo..to be continued.

pag gumagawa ka kasi ng bagong post nasa “visual” tab yun..yung katabi eh “code”.

16. Timogers - Abril 1, 2008

tigasin pala ha.. teka nga..

(insert mrs. gasti’s name here)

gasti: haha! baliw! wag mo na kong kontrahin pa.

17. aga - Abril 9, 2008

asust…

18. Lyzius - Abril 30, 2008

hmmm…patawarin nyo na po ako… ako me pakana dun sa batiaan portion…nayun ko lang nabasa tong about me na to… meron na palang history ng mga history ang buhay blog mo… kaya pala parang biglang nabura yung last comment ni “Rina” sa batian porsyon… hindi ko sinasadyang makasagasa…dapat pala bumusina ako…

churi.. churi…

gasti: hindi ko binura yun..di lang na-approve agad pero andyan na. wag mo na masyadong seryosohin ang mga bagay bagay..hehe!

19. Lyzius - Mayo 5, 2008

yaho! hihihi… approved na nga…ilang araw kong binalikbalikan ang mga comment portion mo…ayus! apir!

pakiss nga!

gasti; hehe! naka-awaiting moderation kasi to at ngyon lang ulit ako pumasok sa opis. wag ka kasi masyado nagkakape.🙂

20. y - Mayo 20, 2008

hello po! sobrang nagagandahan talaga ako sa header mo. lalo na yung moon. siguro isang oras ko nang tinititigan. di naman ako wolf o kaya lunatic pero basta, ang ganda-ganda tlga ng pagkakagawa. astig!

gasti: hi Y! antipid naman ng nick mo. nagustuhan mo yung header ko? isa lang sa mga themes ng wordpress yan eh wala naman ako in-edit..hehe! hindi kaya super saiyan ka rin gaya ko.

21. y - Mayo 20, 2008

yung mga super saiyan po ba sumasamba rin sa buwan? hehe! pwede po pa-xlinks? tenk yu!=)

gasti: uhhmm di naman sa ganun pero nagiging higanteng unggoy naman kapag tumitig sa full moon. xlinks? chige!

22. Elmer Caballero - Hunyo 27, 2008

Hi,

I’m Elmer and I work at pacificadvance.com, a company interested in blog advertizing. I found your blog gasti.wordpress.com engaging and I’m contacting you to ask if you are interested in blog post sponsorship.

If you are interested, kindly mail back (elmer@pacificadvance.com) and I’ll send you pricing details, guidelines and processes. Looking forward to doing business with you.

Sincerely,

Elmer
Pacificadvance.com

gasti: salamat sa offer sir. very much willing po..
(ayos to ah! pagkakaperahan :D)

23. compumatics - Hulyo 4, 2008

Gandang araw! Binabati ko pala lahat ng mga fans ko jan. Hi Gasti! nice blog… Ngapala, may mga single ba dito.. available by appoinment me? lol… cge po napadaan lang baka may pumansin…

gasti: mas maigi siguro kung nag iwan ka ng link..por sure naman may nakapansin sayo dito. haha!

24. Yummy Dingding - Agosto 24, 2008

Hahaha amp nakakatuwa ito about page mo hahahaha… nak ng teteng wala na talaga akong mabasa

25. joycee - Setyembre 10, 2008

padaan lang po!🙂

26. mayui - Setyembre 11, 2008

nag-aaway talaga kayo ng misis mo dahil sa blog entries?
reader pa rin ba siya nitong blog mo ngayon?

gasti: yep! bumibisita pa rin sya pagminsan. pero bihira na sya maasar sa entries ko.

27. Mrs. Gasti - Setyembre 12, 2008

oo reader pa rin ako hanggang ngaun!

28. mayui - Setyembre 14, 2008

ahh. haha. anggaling naman.

29. Den Relojo - Setyembre 25, 2008

Aggressive ka ba talaga sa mahilig mandakma?

gasti: uhhmm hindi yata tayo nagkaintindihan dyan sa part na yan..umiiwas nga ako eh.

30. reinvaldez - Oktubre 23, 2008

haha. mr. and mrs. gasti. grabe na talaga ang buhay ng mga blogero ngayon.🙂

ako saludo sa iyo, bisyo ko na rin ang pag susulat ng kung anu anu sa libreng oras q. hayz….

salamat at binigyang ninyo ako ng ideya ulit..

gasti: mas maigi na rin ang magbasa at magsulat ng blog entries kapag petiks time..hindi mahahalata ng boss mo na wala kang nagagawang trabaho. hehe! basta tuloy lang sa bisyo!

31. malooze - Oktubre 24, 2008

parekoy asan na ang mga peksyurs nung birthday ni gasti jr?

gasti: hindi ko pa nga rin nakikita eh.

32. hashish - Nobyembre 21, 2008

apir! di ako mhilig magbasa ng blog..
pero ngaun mukang kahihiligan ko na.

gasti! aun to..
cge kwento pa men

gasti: dumarami na talaga ang mahihilig. ayos lang yan..check mo rin yung mga nasa blogroll ko marami ka pang mababasang nakakatuwa.

33. hashish - Nobyembre 21, 2008

hehe..oo ba basta ikaw! =)

gasti: ako ay isang bugaw. hehe!

34. marko - Nobyembre 23, 2008

isang malaking kaastigan ang blog na to. apir!

gasti: apir disappear! salamat!

35. J i y u h - Disyembre 4, 2008

kyuuut!🙂
how did you found me?

at dahil jan, mukang mapapadalas ako dito🙂

gasti: ehhmm kakapindot lang siguro. ako ba yung kyut?
tenks!

36. azul - Pebrero 4, 2009

hang galing pede po bang makipag xlinks?tnx

gasti: pwede rin basta goodboy ka at umiiwas ka sa tukso🙂

37. azul - Pebrero 9, 2009

hahahaha natawa ako dun girl po si ako…ni add na po kita

gasti: nakow girl ka pala..hehe! sige add na rin kita.

38. expet the unexpected - Pebrero 13, 2009

bkit ganun..?bkit pag masikip ang isang lugar parang npakasarp ng pakiramdam..?

gasti: hmm..depende sa lugar na masikip yan. kung sa mrt, bus or jeep hindi ako nasasarapan lalo na kung amoy baktol ang paligid.

39. lio loco - Pebrero 13, 2009

napadaan. naaliw sa binasa. mapapabalik. you’re tagged!😀

40. blu - Hulyo 18, 2009

buti naman at napadaan ako dito..salamat sa blog ni maldito..
bagong tayo po ung bahay ko..sana maka daan ka rin dun..hekhek!
add kita parekoy..balik balik ako dito..

gasti: welcome sa aking putahan este taguan…sige sige..salamat at abangan mo ang pagbisita ko dyan sa bagong tayo mong bahay..ako na magbebless..

41. taga-bundok - Oktubre 23, 2009

haha…ayos sa about page… hehe!

taguan! taguan! maliwanag ang buwan… ^^

42. neil dalanon - Nobyembre 24, 2009

galing naman ng intro, malaman at mahaba. piktyur mo na lang, ‘visible’ ka na.🙂

gasti: malaman at mahaba. ganun talaga. wala ka talagang makikitang picture ko dito dahil matagal na akong nagtatago.

neil dalanon - Disyembre 2, 2009

oo nga eh. napaka misteryoso mo naman, tsong.😀 link tayo tsong para ma-update ako lagi sayo. hinihintay ko nga latest post mo, wala naman.😀

gasti: ok na ang link mo. wag ka na lang masyado magexpect kasi part time blogger na lang ako. hehe!

43. neil dalanon - Nobyembre 24, 2009

pwedeng maki-link? hehe

gasti: o chige. walang problema.

44. amber - Hulyo 24, 2010

astig ka chong. unik.

45. Arkhut - Disyembre 20, 2010

pakiss boss! sa cheeks. iwanan ko ng kissmark. di naman magagalit si kumander di ba bos? kilala naman ako nun eh! hahaha. miss ko na kayo.

46. Dylan - Pebrero 10, 2011

Nice blog name. It spells curiosity to anyone reading it. Kaya napa-click ako para makita ang invisible. hahaha.

Just followed your blog Gasti. Cheers!

gasti: thanks dylan. nabasa mo na siguro kung bakit invisible ano.

47. thelovelybiatch - Abril 23, 2013

wow daming fans! at na curious din ako at nakarating sa “About” mo. hehehe

gasti: ahh hehe! wala yan. hindi naman ako sikat para magka-fans.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: